Connect with us

Pagpigil sa contribution hike sa SSS at PhilHealth, posibleng hindi ipatutupad sa buong bansa

Ikinababahala ni Iligan City Rep. Frederick Siao na baka hindi nationwide ang pagpatutupad sa ipinagpapaliban na ng Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) contribution hike ngayong taon.

National News

Pagpigil sa contribution hike sa SSS at PhilHealth, posibleng hindi ipatutupad sa buong bansa

Ikinababahala ni Iligan City Rep. Frederick Siao na baka hindi nationwide ang pagpatutupad sa ipinagpapaliban na Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) contribution hike ngayong taon.

Ito ay sa gitna ng hakbang ng Kongreso na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na iurong ang pagpatutupad ng contribution hike sa dalawang government insurance institutions.

Ayon kay Siao, Chairman ng House Committee on Civil Service & Professional Regulation, “However, let us consider that the deferment could be limited just to Metro Manila, Iligan City, and other areas that have been under GCQ for many months now.”

Dahil nga mas maluwag ang GCQ areas ay nasa 50% ng SSS at PhilHealth members dito ay may kakayahan na bayaran ang contribution increase.

“Deferment of rate hike in GCQ areas makes financial sense because the upper 50 percent of paying members can afford to pay the premium increase, while the lower half cannot, so defer only for the lower half, not for the upper half.”

Sinabi pa ng mambabatas, “We must also remember that employers pay their share or counterpart premiums, so deferment should apply also to the small enterprises, more so to those which had to temporarily shut down or are running at less than 50 percent capacity.”

Samantala, nanawagan din ito na bukod sa SSS at Philhealth ay ipatupad rin ang pagpapa-urong ng rate increase sa GSIS at PAG-IBIG fund.

“I suggest to the Department of Finance that the deferment of premium increases should apply not just to PhilHealth and SSS premiums but also to the GSIS, and PAG-IBIG Fund,” saad pa ni Siao.

Sa ngayon ay pasado na sa second reading ang dalawang panukalang batas sa Kamara para sa pagpapaliban ng SSS at PhilHealth contribution hike.

More in National News

Latest News

To Top