Connect with us

Pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac, top 1 sa Philippine trend sa Twitter

Patuloy na trending ngayong sa Twitter ang mga hashtag na may kaugnayan sa pagpatay ng isang pulis Paranaque sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

National News

Pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac, top 1 sa Philippine trend sa Twitter

Patuloy na trending ngayong sa Twitter ang mga hashtag na may kaugnayan sa pagpatay ng isang pulis Paranaque sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Top 1 sa Philippine trend ang #stopthekillingsph at sinundan ng mga #justiceforsonyagregorio, #endpolice brutality, #pulisangterorista at #myfatherisapoliceman.

Sa kumalat na viral video, makikita ang pagbaril ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang si Sonya Gregoria at Anthony Gregoria.

Si Nuezca na aktibong pulis at nakatalaga sa Parañaque City crime laboratory ay sumuko rin kagabi sa chief of police ng Rosales Police Station sa Pangasinan.

Image

 

Batay sa Paniqui police, isyu sa lupa at pagpapaputok ng boga ang pinag-ugatan ng pagtatalo ng dalawang kampo.

Samantala, narito naman ang pahayag ni Sen. Panfilo Ping Lacson sa nangyaring ito.

“If what’s on video tells the whole story, I enjoin the Philippine National Police leadership to show no mercy. They should spare no effort to make sure that he rots in jail. He’s the last policeman that they need in the force.

As a policy recommendation, policemen should turn in their issued firearms to their unit’s armorer or supply officer when on off-duty status. That said, they should not be issued Permits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) while still in the active service.

The PNP should always uphold its motto “To Serve and Protect.” That includes taking appropriate steps to protect our people from scalawags in their ranks, whether they are on duty or not.”

Kaugnay nito, iginiit naman ni  Interior Secretary Educardo Año na dapat “talagang murder ito.”

Ayon kay Año, napakalinaw naman na hindi lumalaban ang mga biktima.

Image

Bukod sa kasong murder, sinabi ng kalihim na mahaharap din ang pulis sa kasong administratibo para masibak ito sa serbisyo.

Masibak sa serbisyo si Nuezca dahil hindi kailangan ng pambansang pulisya ng katulad nitong klaseng pulis.

Sa nakuhanan na video at nag-viral sa social media, makikita ang walang habas na pamamaril ni nuezca sa mag-inang sonya at anthony gregoria dahil sa umano’y away sa lupa at pagpapaputok ng boga.

More in National News

Latest News

To Top