Connect with us

Pagpasa ng 2021 National Budget,  posible paring maantala

Naniniwala ang mga senador na maari pa ring mangyari ang reenacment budget  kung sa Nobyembre pa mai-transmit  ng Kamara ang kopya ng kanilang General Appropriation Bill (GAB).

National News

Pagpasa ng 2021 National Budget,  posible paring maantala

Naniniwala ang mga senador na maari pa ring mangyari ang reenacment budget  kung sa Nobyembre pa mai-transmit  ng Kamara ang kopya ng kanilang General Appropriation Bill (GAB).

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, pinakiusapan niya si House Speaker Lord Allan Velasco na e-transmit nila sa ika-28 ng Oktubre ang maaaprubahang panukalang pondo .

Nangako rin aniya si Velasco na gawin nila (Kamara) ang kanilang makakaya para maibigay nila ang request ng Senado.

“I just talked to Speaker Velasco and I requested him to help facilitate the transmittal to us to the 28th of October at the most and that is 10 days after they pass it on 3rd reading,”

“He (Velasco) promised best effort.”

Sinabi pa ni Sotto na pinangangambahan nila ngayon ang bali-balitang sa ika-5 o 6 ng Nobyembre  pa maipapasa ng House ang printed GAB nito.

Aniya kung ito ang magiging scenario ay madedelay pa rin ang pagpasa ng panukala para sa pambansang pondo kahit pa maipapasa ngayong araw ang Spending Bill sa Kamara.

Hindi naman maintindihan  ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson kung bakit maantala ang pagtransmit ng printed GAB sa Senado.

Hula ni Lacson, baka may balak ang Kamara na amyendahan ang panukala pagkatapos ang pagpasa sa ikatlong pagbasa  ng spending bill sa House.

Ipinaalala din ni Lacson  ang kautusan batay sa konstitusyon na ang panukala na naipasa na sa huling pagbasa ay hindi na maaring amyendahan.

Pahayag ni Lacson, “The House leadership should be reminded to adhere to Art. VI, Sec. 26 of the Constitution that says: “Upon the last reading of a bill, no amendment there to shall be allowed…xxx”

Amid promises of “best efforts” to transmit the budget bill by end-October, if the House still ends up transmitting the bill on Nov. 5, does it mean that the description “House of the People” is all lip service?”

Samantala, sinabi naman ni House Committee on Appropriation Chairman Eric Go Yap na kakain ng sampung araw ang paglilimbag ng budget bill sa National Printing Office kaya baka hindi kakayanin na  maitransmit ang kanilang version ng budget bago ang Nobyrembre gaya ng gusto ng Senado.

Ngunit pahayag ni Lacson, “As long as they transmit on Nov. 2, we can make adjustments to make sure that the budget is passed on time.

We will resume session one week earlier on Nov.  9 on the assumption that the HoR will approve on final reading today and make the transmittal within the 10-day period of printing as they claim.”

If he House of Representatives’ transmittal of the General Appropriations Bill to the Senate will be on Nov. 5 or 6, there is no assurance that we can pass the budget on time and thus avoid a re-enacted budget.”

Kaugnay nito, positibo naman si  Senator Bong Go positibo na kayang maipasa ang budget lalo pa’t muling igniit nito na hindi maaari ang reenacment budget sa susunod na taon.

Ayon sa senador kailangang mag-double time ang Kongreso sa pagpasa ng budget.

Sakali naman aniyang may kailangang i-ammend sa panukala ay dapat aniyang tiyakin ng Kamara na pabor ito para sa taong bayan.

At sakali aniyang may mali sa bersyon ng House pagdating sa budget ay hindi aniya ito makakalagpas sa mga senador.

More in National News

To Top