Connect with us

Pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program, muling inihirit kasunod ng pagsirit ng presyo ng langis

Iminungkahi ni Gatchalian ang muling pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program bilang ayuda sa public transport sector dahil sa nangyayarinng Oil Price Hike.

National News

Pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program, muling inihirit kasunod ng pagsirit ng presyo ng langis

Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian ang muling pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program bilang ayuda sa public transport sector dahil sa nangyayarinng Oil Price Hike.

Kumpara kasi sa P51.25 kada litro na presyo ng gasolina noong Oktubre ng nakaraang taon, ang kasalukuyang presyo nito ngayon ay nasa P58.85 samantalang ang diesel naman ay umabot na sa P47.90 kada litro ang preesyo nito kumpara sa P35.46 sa parehong buwan noong 2020.

Sa pagtataya ni Gatchalian, Chairman ng Senate Energy Committee Chairperson, posibleng umabot ng P1,422.50 ang karagdagang gastos ng mga jeepney na gumagamit ng gasolina at P598.36 naman sa mga gumagamit ng diesel.

Para makatulong sa mga tsuper, sinabi ni Gatchalian na maaaring maglabas ang gobyerno ng mahigit P900 milyon upang punan ang dagdag na gastusin ng tinatayang 178,244 na bilang ng franchise holders ng public utility jeepney.

Nanawagan din si Gatchalian sa Department of Energy(DOE) na i-monitor ang imbentaryo ng mga kumpanya ng langis para masiguro ang pagkakaroon ng sapat na suplay at mapigilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na buwan.

More in National News

Latest News

To Top