Connect with us

Pagpapatrolya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, magpapatuloy – DND

Walang alisan!Ganito nanindigan si  Defense Secretary Delfin Lorenzana sa opisyal na pahayag nito hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

National News

Pagpapatrolya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, magpapatuloy – DND

Walang alisan! Ganito nanindigan si  Defense Secretary Delfin Lorenzana sa opisyal na pahayag nito sa kaniyang social media account hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo na hindi kailangang umalis ang Pilipinas sa  WPS.

Sinabi noon ni Pangulong Duterte na kung subukin man ng China na paalisin ang mga nagpapatrolyang Pinoy  palibot sa West Philippine Sea, hindi ito dapat sumunod sa banta ng China.

Bagamat ani Lorenzana, kinikilala naman ng pamahalaan ang kapangyarihan, lakas at pwersa  ng China pero hinding-hindi ito aniya dapat na ipagsa-walang bahala ang kasarinlan ng Pilipinas.

Para naman sa mga nagsasabi na taliwas kay Pangulong Duterte ang kanyang mga pahayag, nilinaw ni Lorenzana na ang lahat ng kanyang mga sinabi ay katulad pa rin sa pinaninindigan ng presidente.

Ayon sa kalihim, patuloy ang ugnayan ng kanilang departamento sa mandato ng pangulo.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nanawagan ang China sa Pilipinas na ihinto na ang maritime drills sa West Philippine Sea o South China Sea dahil maaari itong magpalala sa tensyon sa lugar.

Kaugnay nito, pinatitigil nina dating supreme court associate Justice Secretary Antonio Carpio at dating forein Secretary Albert Del Rosario ang kanilang ‘misleading’ na mga ‘illegal’ statements sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng pagbatikos nina Carpio at Del Rosario sa paninindigan ni Pangulong Duterte kaugnay sa mapayapang pagresolba sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ipinunto ni Roque na batay sa international law, kinakailangan ng Pilipinas na isulong ang claims at entitlements nito at maging sa pangangasiwa at pagresolba sa agawan ng teritoryo sa pamamagitan ng mapayapa at ligal na paraan.

At ito aniya ang ginagawa ngayon ni Pangulong Duterte.

Tahasang sinabi din ni Roque na itong lahat ay alam din nina Carpio at Del Rosario bilang lawyer at diplomat kaya kailangan na nilang itigil ang kanilang iligal, impraktikal at iresponsable na mga pahayag na misleading at posibleng magpapahamak sa mga Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top