Connect with us

Pagpapalit ng liderato sa COVID response ng gobyerno, labag sa basics of emergency medicine

Labag sa basics of emergency medicine!

National News

Pagpapalit ng liderato sa COVID response ng gobyerno, labag sa basics of emergency medicine

Labag sa basics of emergency medicine!

Ito ang pahayag ng Malakanyang sa usaping pagpapalit ng liderato sa pandemic response ng gobyerno sa kalagitnaan pa ng pandemya.

Naniniwala ang Malakanyang na walang magandang kahihinatnan kung magpapalit ng liderato sa COVID-19 response ng pamahalaan sa kasagsagan ng nararanasang pandemya.

Sa isang pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi lang naman iisang tao ang kumikilos sa pandemic response ng bansa, bagkus, ito ay isang one-government approach.

Batid naman ni Roque na pinupukol sa naturang isyu ng pagpapalit liderato ay si Health Secretary Francisco Duque III.

Binigyang diin ng tagapagsalita ng Palasyo na hindi lamang si Duque ang involved o nagde-desisyon sa COVID-19 response ng gobyerno, kundi katuwang din dito ang medical experts, mga siyentista at mga kalihim ng ahensya ng pamahalaan.

Ani Sec. Harry Roque “Hindi lang naman po si Dr. Duque ang involved dito. Lahat po ng mga magagaling na mga doktor at mga scientists sa DOH, sa DOST at iba’t ibang sangay ng gobyerno ay involved po sa ating COVID response. Hindi lang po isang tao ang nagdidesisyon dito ‘no. Ayan po ang dahilan kung bakit tinayo nating ang IATF.”

Kaya giit ni Roque, sa gitna ng patuloy na pandemya ay hindi pupuwede ang pagpapalit ng liderato partikular sa Inter Agency Task Force o IATF na kasalukyang pinamumunuan ni secretary Duque.

“I believe it was Dr. Ted Herbosa, a specialist on emergency medicine, who said that it is contrary to the basics of emergency medicine to change leadership in the middle of a pandemic.”

Ibig sabihin, kapag may pandemya, dapat na ibigay muna ang kinakailangan ng mamamayan at isantabi muna ang usapin ng pagpapalit sa liderato.

Kung matatandaan, pumirma ng resolusyon ang ilang senador na nanawagang magbitiw na sa posisyon si Secretary Duque dahil sa anilay kapabayaan o “failure of leadership”.

Pero si Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force Against COVID-19, ay hindi sang ayon sa proposal na pagpapalit ng liderato dahil mas lalong magpapahirap ito sa lahat.

Ani Dr. Ted Herbosa, “A change in the systems of response in the middle of a response like this, nasa kalagitnaan po tayo ng second wave will detrimental to everyone.”

Pahayag ni Dr. Herbosa, kailangan lamang ng bansa na paghusayin at palakasin pa ang mga hakbang kontra coronavirus.

Sa mahigit isang taon na nararanasang COVID 19 pandemic, sabi ng medical expert na alam na ng pamahalaan at ng bawat indibidwal ang naging epektibong hakbang at hindi, kung ikukumpara noong nakaraang taon.

More in National News

Latest News

To Top