Connect with us

Pagpapaliban ng barangay at SK elections, lusot na sa second reading ng senado

Barangay at Sk Elections,

National News

Pagpapaliban ng barangay at SK elections, lusot na sa second reading ng senado

LUMUSOT na sa ikalawang pagbasa ng senado ang panukalang pagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Aprubado na sa second reading ang amemded senate Bill no. 143 na layong ilipat sa December 2022 ang baranggay at SK elections na orihinal na nakatakda sa may 2020.

Naksaad din sa naturang panukala na gawing kada tatlong taon ang barangay SK elections na kasalukuyang kada dalawang taon.

Sakaling maging batas, magkakaroon ng dalawang eleksyon sa 2022, ang national elections sa Mayo at barangay at SK elections sa Disyembre.

Samantala, mayroon nalang 4 na araw ang natitira para sa mga nais magparehistro bilang botante sa comelec na magtatapos sa Setyembre a-30, araw ng lunes.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top