Connect with us

Pagpapalawig ng suspensyon ng pagpapawalang-bisa ng VFA, suportado ng DND

Suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang muling pagpapalawig ng suspensyon ng pagpapawalang-bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

National News

Una nang nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ng 6 na buwan ang suspensyon bago magdesisyon sa magiging kapalaran ng nasabing kasunduan.

Ayon kay Lorenzana, gagamitin nila ang 6 na buwan upang mapag-aralan ang mga gusot sa kasunduan upang makatulong sa pagdedesisyon ng Pangulo.

Iginiit ng kalihim na ang bilateral cooperation ng dalawang bansa ay nakaangkla sa pambansang interes at pagpapatibay sa defense capability ng Pilipinas.

Samantala, tanggap ng Estados Unidos ang desisyon ng bansang Pilipinas na muling suspendihin ang pagpapawalang bisa ng VFA.

Sa pahayag ng U.S, sinabi nito na magpapatuloy ang kanilang alyansa sa pagbibigay seguridad sa dalawang bansa.

Tiniyak din ng Amerika na patuloy nilang palalakasin ang panuntunan na makikinabang ang mga bansa sa Indo-pacific region.

More in National News

Latest News

To Top