Connect with us

Pagpapalapad ng Marikina River, inirekomenda ng DENR

Inirerekomenda ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalapad ng Marikina River upang maitaas ang flood carrying capacity ng ilog.

Metro News

Pagpapalapad ng Marikina River, inirekomenda ng DENR

Inirerekomenda ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalapad ng Marikina River upang maitaas ang flood carrying capacity ng ilog.

Ito ay matapos makita sa isinagawang inspeksyon ng ahensya sa provident village sa lungsod na makitid ang mga river channels nito.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, makatutulong ang pagpatutupad ng mahigpit na easement requirements sa ilog na maitaas ang volume capacity ng Marikina River.

Ani Cimatu, kanilang aaralin ang pagbabago sa lapad ng ilog sa paglipas ng mga taon at kanilang ibabalik ang dating lawak nito batay sa data mula sa national mapping and resource information authority.

Bukod dito, tiniyak din ng kalihim na kanilang sisilipin ang reklamo ng pamahalaang lungsod ng Marikina hinggil sa umano’y ginawang reklamasyon sa kahabaan ng ilog nang walang environmental compliance certificate mula sa ahensya.

Maaalala si Cimatu ang itinalagang chair ni Pangulong Rodrigo Duterte sa task force na mangunguna sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. https://credit-n.ru/order/kreditnye-karty-sovkombank-halva.html

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top