Connect with us

Pagpapakita ng accomplishments ng Duterte Administration, hindi utos ng pangulo – Pastor ACQ

Binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy na hindi siya inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ilahad sa publiko ang mga magagandang nagawa

National News

Pagpapakita ng accomplishments ng Duterte Administration, hindi utos ng pangulo – Pastor ACQ

Binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na hindi siya inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ilahad sa publiko ang mga magagandang nagawa nito sa ilalim ng kanyang administrasyon bagkus dahil ito sa kanyang pag-ibig sa bansa.

Giit ni Pastor Apollo , halos 6 na taon na panunungkulan ni Pangulong Duterte ay marami itong nagawang proyekto sa kabila ng mga pambabatikos ng oposisyon sa kanya na  nagpapatunay lang na walang partido-partido at may pagmamahal ang pangulo sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte sa nauna nitong interview kay Pastor Apollo noong 2019 na choosy na siya at hindi na magpapainterview sa iba dahil nawalan na siya ng tiwala sa mga mainstream media.

Sinabi rin ng pangulo sa kakatapos na panayam ng SMNI exclusive nito na napaka swerte niya at nagkaroon siya ng pribilehiyo na makasama sa programa ni Pastor Apollo kung saan malaya siyang nakakapagsalita.

Sinabi rin ng Butihing Pastor na SMNI lamang makikita ng publiko ang magagandang gawa ng Duterte Administration na hindi ipinalalabas ng ibang mainstream media, at ito aniya ang dapat nakikita ng mamamayang Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top