Connect with us

Pagpapakawala ng tubig sa Magat dam, hindi dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley

Hindi ang pagpapakawala ng tubig sa Magat dam ang "major cause” ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Regional

Pagpapakawala ng tubig sa Magat dam, hindi dahilan ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley

Hindi ang pagpapakawala ng tubig sa Magat dam ang “major cause” ng malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Ito ang iginiit ng National Irrigation Administration (NIA) sa naganap na joint hearing ng house agriculture committee at special committee on the North Luzon growth quadrangle.

Ayon kay NIA Administrator Ricardo Visaya, dapat tingnan din ang ibang factor sa dahilan ng pagbaha sa mga nasabing probinsya gaya ng illegal mining, logging, quarrying at iba pang aktibidad.

Iprinisenta rin ni Visaya sa pagdinig ang datos na nagpapakita na noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses ay nasa 6,706 cubic meters per second lamang ang dami ng tubig na pinakawala ng Magat dam.

Habang nasa 7,128 cubic meters per second naman ang peak water inflow ng Magat dam.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Visaya na hindi rin sila nagkulang sa paglalabas ng abiso hinggil sa kanilang gagawing pagpapakawala ng tubig.

More in Regional

Latest News

To Top