Connect with us

Pagpapakalat ng partisan units ng CPP-NPA para atakihin ang gobyerno, isang terrorism act

Itinuturing ng Armed Forces of the Pilippines (AFP) na isang terrorist act ang sinabi ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) sa pamumuno ni CPP Founder Maria Joma Sison na magpapakalat sila ng special partisan units para umatake sa pwersa ng pamahalaan sa mga lungsod sa bansa.

National News

Pagpapakalat ng partisan units ng CPP-NPA para atakihin ang gobyerno, isang terrorism act

Itinuturing ng Armed Forces of the Pilippines (AFP) na isang terrorist act ang sinabi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamumuno ni CPP Founder Maria Joma Sison na magpapakalat sila ng special partisan units para umatake sa pwersa ng pamahalaan sa mga lungsod sa bansa.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo sa laging handa public briefing, maliwanag na pagte-terrorize sa mamamayang Pilipino ang pagdeklara ng naturang pagde-deploy diumano ng CPP-NPA ng partisan unit.

Ipinaliwanag naman ni Arevalo ang layon ng nabanggit na armadong grupo sa gitna ng sinasabi nilang partisan unit.

“Ang tunay nilang layunin na pinagtatakpan ng terminolohiyang ‘partisan unit’ ay assassination, murder, o extrajudicial killing ng mga government officials at maging non-combatant civilians – at sa nakagawa ng kasalanan sa kanilang kilusan.”

Giit ng heneral, isang desperadong pamamaraan ito na gustong ipakita ng CPP-NPA na dapat silang katakutan.

Dahil dito, sinabi ni Arevalo na binibigyang-katotohanan lamang ng CPP-NPA ang deklarasyon sa kanila ng Anti-Terrorism Council na sila ay terrorist group.

“Itong kanilang ginagawa ay malinaw na isang terrorist act laban sa ating mga kababayan Kung hindi man, ito ay isang desperate measure o attempt upang sabihing they are still force to reckon with..katakutan ng mga kanabayn natin.”

Kaugnay nito, binalaan ni AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay ang CPP-NPA na huwag na nilang ituloy ang kanilang binabalak na pananakot.

Pero, kung desidido pa rin ang teroristang grupo na ituloy ang terrorist act na ito, tiniyak ng sandatahang Pilipinas na poprotektahan nito ang sambayanang Pilipino.

Binibigyang-diin naman ni Arevalo na ang terror act na ito ay isang paglabag sa Saligang Batas.

“Dapat malaman ng ating mga kababayan na…..ito ay paglabag sa umiiral na batas…international Humanitarian law.”

Ipinaliwanag naman ni AFP Human Rights Chief Col. Joel Alejandro S. Nacnac ang gustong mangyari ng CPP-NPA sa pagdeklara nila na magdedeploy sila ng partisan units.

“Ang gustong pairalin ng grupong ito…..katulad ng mga nasa barangay….bale sinentensyahan nila ang mga ito.”

Paglabag din aniya ang utos na ginawa ni joma sison sa deklarasyon ng universal declaration of human rights.

Inisa-isa naman ni Nacnac ang mga violation na ito sa karapatang pantao.

“Una ang article 3, ito ang right to life…..the right to public trial.”

Malinaw, ayon sa AFP ang mga paglabag na ito ng CPP-NPA sa Saligang Batas kaya mariing kinokondena ng sandatahang lakas ng Pilipinas ang plano at hakbang na ito ng armadong grupo.

 

More in National News

Latest News

To Top