operasyon ABS-CBN press freedom

Pagpapahinto sa operasyon ng ABS-CBN, hindi isyu ng press freedom – Enrile

National News

Hindi isyu ng press freedom ang pagpapahinto ng  broadcast ng ABS-CBN.

Ito ang naging pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon kay Enrile, hindi dapat gamitin ng ABS-CBN ang usapin sa malayang pamamahayag usaping ito para pagtakpan at maipagpatuloy ang kanilang negosyo.

Giit pa ng dating mambabatas, huwag ding ilagay ang usapin sa galit ng sinuman kung bakit napatigil ang kanilang broadcast

Ani Enrile, ang isyu dito ang pag-expire ng prangkisa.

“Ibang isyu iyon. Galit man si Duterte, galit man ang Kongreso, galit man ang Senado, galit man ang Diyos sa kanila, walang problema iyon. Kung yung prangkisa nila ay walang termino. Hindi indefinite yung negosyo nila. Sinabi ng Kongreso, ito ang prangkisa ninyo, mag-negosyo kayo sa loob ng 25 taon. At pagkatapos noon, kung hindi namin i-extend yung prangkisa ninyo, tapos na yung negosyo ninyo.”

Kahapon nagpalabas ang NTC ng cease and desist order laban sa giant network na nagpapatigil sa broadcast ng mga TV at Radio stations nito sa buong Pilipinas dahil sa kawalan ng bagong prangkisa.