Pagpapahinto sa operasyon ng ABS-CBN, hindi isyu ng press freedom – Enrile

Uncategorized

Hindi isyu ng press freedom ang pagpapahinto sa broadcast ng ABS-CBN.

Ito ang naging pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon sa batikang mambabatas, hindi dapat isama ng ABS-CBN ang usapin sa malayang pamamahayag para pagtakpan at maipagpatuloy ang kanilang negosyo.

Giit pa ng dating mambabatas, huwag ding ilagay ang usapin sa galit ng sinuman kung bakit napatigil ang kanilang operasyon.

Ani Enrile, ang isyu dito ang pag-expire

“Ibang isyu ‘yon. Galit man si Duterte, galit man ang Kongreso, galit man ang Senado, galit man ang Diyos sa kanila, walang problema iyon. Kung yung prangkisa nila ay walang termino. Hindi indefinite yung negosyo nila. Sinabi ng Kongreso, ito ang prangkisa ninyo, mag-negosyo kayo sa loob ng 25 taon. At pagkatapos noon, kung hindi namin i-extend yung prangkisa ninyo, tapos na yung negosyo ninyo.”

Kahapon nagpalabas ang NTC ng cease and desist order laban sa giant network na nagpapatigil sa lahat ng broadcasting stations nito sa buong Pilipinas dahil sa kawalan ng bagong prangkisa.

Pagpapahinto sa operasyon ng ABS-CBN, hindi isyu ng press freedom – dating Sen. Juan Ponce Enrile (JP Enrile)

Posted by DZAR 1026 on Wednesday, 6 May 2020