Connect with us

Paglobo ng mga nagnanakaw ng personal information, pinaaksyunan na sa NTC at NPC

Paglobo ng mga nagnanakaw ng personal information, pinaaksyunan na sa NTC at NPC

National News

Paglobo ng mga nagnanakaw ng personal information, pinaaksyunan na sa NTC at NPC

Nanawagan si Senador Imee Marcos sa National Telecommunications Commission (NTC) at National Privacy Commission (NPC) na agarang lutasin ang patuloy na paglobo ng cybersecurity attacks sa publiko sa pamamagitan ng spam messages.

Ayon kay Marcos, kailangan nang masugpo ang mga smisher at malaman kung bakit nasisikwat ng mga ito ang mobile number ng publiko.

Ang smishing o SMS phishing ay ang ilegal na pagkuha sa mga personal na impormasyon tulad ng password o credit card numbers gamit ang text messages o mobile data apps, sa pamamagitan ng alok na trabaho, mga premyo o diskwento.

Bagama’t nagpalabas ang telcos ng mga abiso kung paano harapin ang ganitong mga ‘spam messages,’ hindi kumbinsido si Marcos na sapat na ito para malutas ang problema.

Aniya dapat makalikha ng isang sistema ang NTC at NPC kasama ang mga telco companies, mga bangko, at online shopping platforms na makakaharang sa spam messages para wala nang makatanggap nito.

Nanawagan rin si Marcos na itigil na ang walang ingat na pangungulekta ng mga mobile phone numbers para sa contact tracing, na inililista sa mga nakabuyangyang lang na mga papel” bago payagan ang isang tao na makapasok sa mga bangko, mga supermarket at iba pang mga establisyemento.

More in National News

Latest News

To Top