Connect with us

Paglimita sa pangangampanya ng mga kandidato sa social media, isinusulong ng Comelec

Ipinapanukala ngayon ng commission on election ang paglimita sa pangangampanya gamit ang social media.

National News

Paglimita sa pangangampanya ng mga kandidato sa social media, isinusulong ng Comelec

Ipinapanukala ngayon ng commission on election ang paglimita sa pangangampanya gamit ang social media.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaasahan ang malawakang pangangampanya ng mga kandidato gamit ang social media sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.

Sinabi pa ni Jimenez na wala pang natukoy na limitasyon sa paggamit ng naturang platforms kumpara sa ipinapalabas na TV advertisement na mayroong bilang ng minuto na sinusunod.

Sa ngayon, ang tanging namo-monitor ng Comelec ay ang paggastos ng mga kandidato para sa kanilang pagpapalabas ng patalastas at pag-boost sa kanilang social media post.

Sinabi ni jimenez na nilapitan na nila ang social media companies upang mabigyan sila ng access at tools para ma-regulate ang mga political advertisements at ilang aktibidad ng mga tatakbong kandidato.

Sisimulan naman mula February 8, 2022 hanggang May 7 ang campaign period para sa national post habang March 25 hanggang May 7 para sa local positions.

More in National News

Latest News

To Top