National News
Paglilinis sa loob ng Philhealth, hindi lang natatapos sa pagpapalit ng liderato
Hindi natatapos sa pagpapalit ng liderato sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang paglilinis sa loob ng ahensiya ani Senator Grace Poe.
Sa isang pahayag sinabi ng senadora na dapat pa ring habulin at parusahan ang mga corrupt at nagpabaya sa tungkulin.
Punto ni Poe na ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay pagkakait sa publiko ng kanilang karapatan sa maayos na serbisyong pangkalusugan.
Kasunod nito ay hiling ng mambabatas sa bagong appointed PhilHealth chief na magkaroon ng integridad at kakayanang magpatupad ng institutional reform sa loob ng ahensiya.
Batid ni Poe na malaki at kritikal ang trabahong gagampanan nito pero sana ay maikonsidera nito ang mahigpit na pagbabantay sa kalusugan at yaman ng bayan.
Kahapon nang opisyal nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong mamumuno sa PhilHealth sa katauhan ni former National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Dante Gierran.