National News
Paglikha ng malinaw na resolusyon laban sa militia vessels ng China sa WPS, ipinanawagan

Ipinanawagan ni Surigao Del Norte Second District Rep. Robert Ace Barbers na sana’y magkaroon na ng boses ang bansa laban sa China.
Kaugnay ito sa pananatili ng 44 mula sa mahigit 200 militia vessels ng China na nakadaong sa Julian Felipe Reef na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Barbers na dapat nang gumawa ang bansa ng isang resolusyong nagpapakita na dismayado na ang Pilipinas sa mistulang pambu-bully ng China.
Sa kabila nito, nilinaw ni Barbers na hindi nanghahamon ng giyera ang bansa laban sa China.
Matatandaan na ilang beses nang umapela si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa China na paalisin na ang mga nakadaong na sasakyang-pangisda sa teritoryo ng Pilipinas.
Gayunman, nanindigan si Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian na ang Julian Felipe Reef o ang whitsun ay matagal na nilang fishing grounds at bahagi ito ng nansha islands na sakop ng China.
Arestado ng pulisya ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Omar, Sulu. Ayon kay PNP...
Iminungkahi ni Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy sa Department of National Defense (DND) at sa Philippine Coast...
Pumangatlo sa posisyon ang Pilipinas sa South East Asian nations na may pinakamaraming doses ng COVID-19...
Regular na isailalim sa RT-PCR test ang mga pulis lalong-lalo na ang nagbabantay sa checkpoints sa...
Nagbabala ang Philippine Airlines (PAL) sa publiko laban sa pagbibiyahe gamit ang pekeng COVID-19 tests. Sa...