Connect with us

Paglikha ng dekalidad na learning materials, dapat paigtingin – Sen. Gatchalian

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na paigtingin ang pagrepaso sa kalidad ng learning materials na ginagamit para sa distance learning para matiyak na natuturuan nang wasto ang mga mag-aaral.

National News

Paglikha ng dekalidad na learning materials, dapat paigtingin – Sen. Gatchalian

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na paigtingin ang pagrepaso sa kalidad ng learning materials na ginagamit para sa distance learning para matiyak na natuturuan nang wasto ang mga mag-aaral.

May ilang beses nang pinuna ang DepEd dahil sa mga pagkakamaling nakikita sa mga learning materials nito.

Matatandaang may ilang episodes din ang DepEd TV ang nag-viral dahil sa mga nakitang pagkakamali sa mga ito.

Mula Oktubre 12-20, may 41 mga pagkakamaling naiulat sa proyektong Error Watch ng DepEd.

Halos 30 rito ay local modules na ayon sa kagawaran ay hindi nito nasuri.

Bagama’t ang proyektong Error Watch ay makatutulong sa pagwasto sa mga aralin, binigyang diin ni Gatchalian na dapat naiwasto na ang mga aralin bago ipamahagi sa mga mag-aaral at makaiwas sa kalituhan.

Dagdag ng mambabatas, dapat ding paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng mga eksperto sa mga lokal na tanggapan ng DepEd, lalo na’t karamihan sa mga naitalang pagkakamali ay mula sa mga ginawa ng mga field units nito.

“Sa pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya ng COVID-19, hindi lamang ang paraan ng pagtuturo ang dapat nating tutukan. Kailangang siguruhin din natin na tama ang mga araling itinuturo natin sa ating mga kabataan. Sa pagsuri natin sa bawat aralin, ang kaalaman ng mahigit 22 milyong mag-aaral ang nakasalalay,” ang pahayag ni Sen. Gatchalian.

Ayon pa kay Gatchalian ang pagkakaroon ng dekalidad na learning materials ay dapat maging bahagi ng pagbangon ng sektor ng edukasyon mula sa pinsalang dulot ng pandemya.

Isinusulong din ni Gatchalian ang pangangailangan sa mga dekalidad na learning materials matapos lumabas ang resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment.

Lumabas kasi sa naturang pag-aaral na sa halos pang-79 ang bansang Pilipinas ang may pinakamababang marka sa Reading Comprehension at pangalawang pinakamababang marka sa Science at Mathematics.

Pinaliwanag din ng senador na ang kanyang panukalang magdagdag ng mga center for excellence para sa teacher education ay makatutulong sa paglikha ng mga dekalidad na learning materials.

Ayon kasi sa Republic Act No. 7784 na layong i-angat ang kalidad ng edukasyon ng mga guro sa bansa at bumuo sa Teacher Education Council, isa sa mga tungkulin ng mga center of excellence ay magsilbing sanggunian sa paglikha ng iba’t ibang materials para sa pagtuturo.

Sa 1,572 mga Teacher Education Institutions (TEIs), nasa 74 ang maituturing na mga center of excellence o development.

 

More in National News

Latest News

To Top