Connect with us

Paglikha ng ‘back-up’ government center sa labas ng Metro Manila, ipinag-utos ni Pang. Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng isang “back-up government center" sa labas ng Metro Manila.

National News

Paglikha ng ‘back-up’ government center sa labas ng Metro Manila, ipinag-utos ni Pang. Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglikha ng isang “back-up government center” sa labas ng Metro Manila.

Sa executive order no. 119 ng pangulo, iniutos nito ang pagpapatayo ng national government administrative center sa New Clark City sa Capaz, Tarlac.

Inatasan din nito ang lahat ng government agency na mag-set up ng satellite offices sa lugar.

Nakasaad sa EO na ang government center sa labas ng Metro Manila ay magsisilbi bilang back-up administrative hub at maaring gamitin bilang disaster recovery center para matiyak ang patuloy na serbisyo ng gobyerno sakaling magkaroon ng kalamidad sa Metro Manila.

Samantala, magkasamang pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang task force na layong pabilisin ang rehabilitation efforts sa mga typhoon-hit areas.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa halip na si Executive Secretary Salvador Medialdea, sinabi ni Roque na sina DENR Secretary Roy Cimatu at DPWH Secretary Mark Villar na ang magiging chairman ng “build back better task force.”

Paliwanag ni Roque, ang dalawang ahensya ang mangunguna sa task force dahil may kaugnayan ito sa kalikasan at karamihan sa mga napinsala ng bagyo at kailangan ng rehabilitasyon ay mga gusali, kalsada at tulay.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng task force para sa rehabilitasyon matapos ang magkakasunod na malakas na bagyo na tumama sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top