Paglalakad trabaho manggagawa Poe

Paglalakad ng mga manggagawa papunta sa trabaho, hindi dapat ibilang sa ‘new normal’ – Sen. Poe

National News

Hindi ikinatuwa ni Senador Grace Poe ang paglalakad ng mga manggagawa nang kilo-kilometro para lang makapasok sa kanilang trabaho.

Dahil hanggang ngayon ay wala pa ring public transport na pinayagang magbalik-operasyon sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Aniya, kailangang gawan ng paraan ng gobyerno ang ganitong pasanin ng mga manggagawa.

Dahil ani Poe, inilalagay lamang sa kapahamakan ang buhay ng mga ito.

Giit pa ni Poe na kailangang magtulungan ang bawat isa para i-angat ang ekonomiya ng bansa.

Matatandaang, pinayagan nang magbukas ang ilang kumpanya sa Metro Manila at ilang karatig-probinsya matapos ilagay ito sa MECQ hanggang sa May 31.