Connect with us

Paglalagay ng RFID installation centers sa labas ng Metro Manila, ipinanawagan

Balak ni Senador Sherwin Gatchalian na sa linggong ito ay maghain ng resolusyon para suriin at mabusisi ang kontratang ipinasok ng gobyerno sa mga toll operators o Toll Regulatory Board.

National News

Paglalagay ng RFID installation centers sa labas ng Metro Manila, ipinanawagan

Nanawagan si Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin sa mga otoridad at responsableng kumpanya na maglagay ng RFID installation centers sa labas ng Metro Manila.

Ito ay para hindi dehado ang mga nasa probinsya na nais kumuha ng RFID sticker dahil sa nalalapit na full implementation cashless transaction sa mga tollway sa bansa.

Ayon kay Garbin, para bawas abala sa mga motorista, dapat maglagay din ng RFID installation centers sa mga kalapit na lugar sa Metro Manila gaya ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija at Baguio City kung saan maraming residente na madalas na gumagamit ng NLEX.

Panawagan din ni Garbin na maglagay ng mga installation centers sa south part ng Luzon gaya ng mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

“There should also be RFID installation centers in keys cities south of Metro Manila, especially in the provinces of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon.”

“Further south, RFID centers would be needed in Calapan City, Naga City, Legazpi City, and Tacloban City,” ani Garbin.

Punto ng kongresista, dapat samantalahin ng mga concerned parties ang pagpaparami ng mga RFID installation center sa maraming lugar bago ang deadline ng cashless transaction sa mga tollways.

“The authorities and companies responsible for RFID installation should use the application extension to November 30 as the time window for them to deploy the RFID installation process outside of Metro Manila.”

Samantala, ayon naman kay Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales na walang deadline sa paglalagay ng RFID stickers sa mga sasakyan.

Ayon kay Sales, magpapatuloy parin ang installation ng RFID stickers hangga’t umiiral ang cashless toll collection.

Subalit nilinaw ni Sales na mababawasan ang RFID installation sites pagkatapos ng deadline ng mandatory cashless toll transaction sa susunod na buwan.

Paliwanag ni Sales, “The installation of stickers will be continuous and the sites that are conducting installations will be decreased after the deadline,” said Sales. “It will continue as long as the cashless collection is implemented.”

Sa ngayon ay iniurong na ang mandatory implementation ng cashless toll collection mula November 2 sa December 1 para magkaroon ng sapat na panahon ang mga motorista na tumalima sa nasabing kautusan.

More in National News

Latest News

To Top