Umapela si Senator Ramon Revilla sa National Task Force for COVID-19 sa kanilang guideline na paglalagay ng barrier sa mga motorsiklo.

Paglalagay ng barrier sa mga motorsiklo, hindi ligtas-Sen. Revilla

National News

Umapela si Senator Ramon Revilla sa National Task Force for COVID-19 sa kanilang guideline na paglalagay ng barrier sa mga motorsiklo.

Aniya hindi ligtas ang paglalagay pa ng barrier sa mga motor para mapanatili ang distansya ng rider at ng angkas nito.

Giit ng senador, makakaapekto lamang ito sa balanse ng motor na maaring magdulot ng pagkabuwal o aksidente.

Panukala ni Revilla na kaysa maglagay ng barrier ay bakit hindi na lamang pagsuotin ng face mask, gloves at face shields o full face helmet ang driver at ang angkas.

Tutal naman ani Revilla, magkasama naman ang mga ito sa iisang bubong at may interaksyon ng walang face mask kapag nasa loob ng kanilang bahay, gumagamit ng parehong kubyertos at natutulog sa iisang kama.

Ngayong araw epektibo na pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-aangkas sa mga motorsiklo para sa mga mag-asawa, mag-live partner at magkasintahan.