Connect with us

Paglalabas ng committee report ng Kamara kaugnay sa PhilHealth, ipinagpaliban

Ipinagpaliban muna ng dalawang komite sa Kamara ang pagpapalabas ng committee report kaugnay sa mga naganap na imbestigasyon sa Kamara laban sa PhilHealth.

National News

Ayon kay Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Chairman ng House Committee on Public Accounts, Kanselado muna ang hearing nila kasama ang committee on good government and public accountability dahil sa safety reason.

Mangyari kasi na sumasailalim ngayon sa quarantine si PhilHealth CEO/ President Dante Gierran matapos tamaan ng COVID-19 ang isa sa mga personnel nito.

Bukod kay Gierran, naka quarantine din ngayon ang lahat ng PhilHealth senior officials kaya bawal ang mga ito na dumalo sa pagdinig.

Noon nakaraang linggo nang unang nagkaroon ng meeting sina Gierran at mga mambabatas na aktibo sa PhilHealth investigation sa Kamara.

Ayon kay Congressman Defensor, positibo ang tugon ni Gierran na mabigyan ito ng special powers para sa lalong madaling panahon ay maipatupad ang mga repormang kinakailangan sa PhilHealth.

More in National News

Latest News

To Top