Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang paglaban kontra smuggling ng karneng baboy o anumang pork products lalo na kung galing China.

Pagpuslit ng pork products galing China, mahigpit na binabantayan ng DA

National News

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang paglaban kontra smuggling ng karneng baboy o anumang pork products lalo na kung galing China.

Ang hakbang ay bilang preventive measures upang maiwasan ang swine flu na kumalat sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DA Secretary William Dar na pinahigpit pa ng ahensya ang quarantine measures sa mga pantalan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para masusing babantayan ang smuggling ng mga produktong baboy.

Nanawagan naman si Dar sa mga negosyante na patuloy na ilegal na kumukuha ng pork products galing China na huwag nang dagdagdagan pa ang problemang kinakaharap ng bansa.

Ito’y dahil mayroon nang epidemic in terms of swine flu ang nasabing bansa.

Ani Dar, “Ang pinaka problema ay, natin ayung smuggling at merong dinadala na produkto galing mga bansa na bawal tayong mag import”.

Samantala, hinimok nama ni Secretary Dar ang lahat na suportahan at ipataas pa ang level ng productivity ng domestic livestock raisers.

Ibinahagi naman ng kalihim na aasistehan ng DA ang mga domestic producer  para ma-level up ang kanilang produksyon at pataasin ang kanilang kita.

Sa kabilang banda, nilinaw ng ahensya na gagawin lamang ang importation kung wala ‘yong produkto dito sa Pilipinas in commercial scale.

Inihayag naman ni Agriculture chief na ang total budget proposal ng DA para sa 2021 ay nasa PHP 240 billion.

Kaugnay nito, mula sa naturang budget, binigyang-diin ni Dar na ang major goal ay  kailangang palawakin at suportahan ang maraming domestic food production sa tatlong major areas sa bansa.

Inilahad pa ng Department of Agriculture na doon sa P66-billion ay cash for work program, na gustong  mangyari ng ahensya lalo pa’t maraming walang trabaho ngayon.

Idinagdag pa ng kalihim na mayroon nang ibinababa ang ahensya sa mga rehiyon na PHP 400 million halaga sa CALABARZON at Central Luzon para mabigyan ng livelihood opportunities ang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Maliban dito, mag-setup na ng food markets sa critical areas ng Metro Manila at iba pang lugar sa Pilipinas.

Ikokonsidera rin ang food logistics na maghahatid ng mga produktong galing sa mga probinsya papunta sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.