Connect with us

Pagkuha ng litrato ng Chinese Coast Guard sa resupply mission ng Phl, panghaharas – Esperon

Pagkuha ng litrato ng Chinese Coast Guard sa resupply mission ng Phl, panghaharas - Esperon

National News

Pagkuha ng litrato ng Chinese Coast Guard sa resupply mission ng Phl, panghaharas – Esperon

Sa ngayon, natapos na ang resupply sa Ayungin Shoal kung saan nandoon na ang BRP Sierra Madre ng bansa.

Gayunpaman, may ulat nitong Martes, Nobyembre 23 na naroon sa bisinidad ng Ayungin Shoal ang barko ng Chinese Coast Guard at nagpadala ng rubber boat na may lulan na tatlo katao para kumuha ng litrato at video habang ina-unload ang mga suplay sa BRP Sierra Madre, isang navy ship na nagsisilbing Philippine outpost sa lugar.

Sa laging handa briefing, sinabi ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. na maikokonsiderang isang uri ng harassment ang presensya ng Chinese Ship sa Ayungin Shoal at pagkuha ng litrat sa resupply mission.

Kaugnay nito, tahasang sinabi ni Esperon na walang karapatan ang China sa ayungin Shoal dahil teritoryo ito ng Pilipinas.

Binigyang diin ng opisyal na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas at nasa loob ng Kalayaan Island Group ang Ayungin Shoal.

Kaya naman giit ni Esperon, ang Chinese Coast Guard ang nag-trespassing sa teritoryo ng bansa.

Ipinakita at iprinesenta naman ni Esperon ang distansya ng mga isla sa West Philippine Sea batay sa nautical miles.

Kaugnay nito, sinabi ni Esperon na dapat namamayani dito ang international order na tulad ng United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) na niratipikahan noong 1984 at naging epektibo sa taong 1994.

Saysay pa ng security adviser, signatory dito ang China at ang Asean, kaya dapat sumunod ang China sa mga international law o conventions na mga ito.

Matagal na rin aniyang pinag-usapan ito sa United Nations kaya dapat sumunod ang China.

Una na ring sinabi ni acting presidential spokesperson at cabinet secretary Karlo Nograles na consistent si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu at concern na may kinalaman sa teritoryo ng Pilipinas.

“I think the president has always been consistent sa UN general assembly, sa mga Asean summits. Lagi niyang binabalik-balikan iyong UNCLOS at iyong ating arbitral award. So, bumabalik siya lagi doon at lagi niyang sinasabi iyong importance ng peace and unity, importance of peaceful resolution ng ating disputes. So, very consistent si pangulo diyan sa isyu at concern po na iyan.”

Matatandaang kinondena ni Pangulong Duterte ang ginawang pagharang at water cannon attack ng mga Chinese Coast Guard sa dalawang barko ng Pilipinas.

We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments. This does not speak well of the relations between our nations and our partnership.”

Samantala, nangako ang Chinese Envoy to the Philippines na iimbestigahan ang alegasyong intimidasyon ng Chinese Coast Guard ship laban sa Philippine Vessels na nagsagawa ng resupply mission sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Iyan ang sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

 

 

More in National News

Latest News

To Top