Connect with us

Pagkansela ng eleksyon sa 2022, walang basehan – DILG

Pagkansela ng eleksyon sa 2022, walang basehan - DILG Malaya

National News

Pagkansela ng eleksyon sa 2022, walang basehan – DILG

Binigyang-linaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya ang mga spekulasyon na makakansela ang nalalapit na halalan sa Mayo.

Ayon kay Malaya, tanging kathang-isip lamang ng mga kumokontra sa kasalukuyang gobyerno.

Walang basehan din aniya ang nasabing usapin dahil kitang-kita namang nasa election fever na ang lahat.

Nilinaw din ng opisyal na hindi pagkansela sa eleksyon ang inihaing petisyon ng PDP-Laban na muling buksan ang Certificate of Candidacy o COC filing dahil layunin lamang nito na mabigyan ng pagkakataon ang ilang kandidato na sumali sa 2022 elections.

Samantala, sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, nagpaalala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang lahat ng elected officials sa bansa mula sa pangulo hanggang sa mga lokal na opisyal ay maaalis na lahat sa pwesto pagkatapos ng June 30 kahit na hindi matutuloy ang eleksyon.

 

More in National News

Latest News

To Top