Connect with us

Pagkamatay ni Keith Absalon sa kamay ng NPA, kailangan nang iakyat sa international CHR

Muling kakalampagin ng League of the Parents of the Philippines (LPP) ang Commission on Human Rights hinggil sa pagkasawi ng 21 Football player na si Keith Absalon noong June 06.

National News

Si Absalon ay isang multi awarded midfielder at tinaguriang most valuable player ng University Athletic Associations of the Philippines noong 2016.

Pero ang magandang buhay ni Absalon ay isa sa mga sinira ng teroristang grupo.

Matatandaan na namatay si Absalon bunsod ng pagsabog ng landmine sa Masbate at kasama sa nasawi ang pinsan nitong si Nolven Absalon.

Ang pagsabog ng landmine ay matatandaang inako naman ng New People’s Army (NPA).

Sa July 16 ayon kay Ka Remy, President ng LPP, muli silang haharap sa tanggapan ng CHR para ipanawagan na i-akyat na sa International Commission on Human Rights ang insidente ng pamamaslang sa mga Absalon.

“Para masugpo na ito dalhin na doon sa international court, at para mahayag na doon ang kasamaan ng CPP NPA sa ating mga kabataan sa pamumuno ni Joma Sison,” ani Ka Remy.

Sinabi pa ni Ka Remy na ang CHR ay tila infiltrated na rin ng teroristang grupo kung titingnan ang ginagawang pagkilos nito sa mga itinuturing na kalaban ng bansa.

Nagpapasalamat naman ang LPP na patuloy na nasa likod ng mga ito si mismong Pang. Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top