Connect with us

Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, walang epekto sa nakabinbing kaso laban sa war on drugs ng Administrasyong Duterte

Pagkalas ng Pilipinas

National News

Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, walang epekto sa nakabinbing kaso laban sa war on drugs ng Administrasyong Duterte

Walang epekto sa anumang nakabinbing kaso laban sa kampanya kontra iligal na droga ng Administrasyong Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang iginiit ni Attorney Jude Josue Sabio na nagdala ng kaso sa I.C.C para sa mga krimen laban sa humanity.

Sinabi ni Sabio na hindi mapipigilan ang tribunal na imbestigahan ang war on drugs ng administrasyon kahit epektibo na kahapon ang pagkalas ng pilipinas sa I.C.C.

Dagdag nito, hindi mawawala ang pag-asa para sa mga pamilya ng mga biktima ng state crimes dahil maaaring baligtarin ang withdrawal ng bansa mula sa rome statute ng susunod na administrasyon.

Pangalawa ang Pilipinas sa kumalas sa tanging permanent war crimes tribunal ng buong mundo kung saan unang nag-withdraw sa ICC ang Burundi noong October 2017.

Una namang sinabi ng Malacañang na hindi kailanman naging party sa Rome Statute ang pilipinas na lumikha sa I.C.C.

 

DZARNews

More in National News

Latest News

To Top