Connect with us

Pagkakapasa ng panukalang pagtatayo ng Virology Institute, isang welcome development – Rep. Helen Tan

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong paggawa ng sariling bakuna kontra COVID-19 ng bansa.

Uncategorized

Pagkakapasa ng panukalang pagtatayo ng Virology Institute, isang welcome development – Rep. Helen Tan

Welcome development para kay Quezon Rep. Angelina ‘Helen’ Tan ang pagkakapasa sa Kamara ng House Bill 9599 na layong magtayo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines o VIP.

Ayon kay Tan, na siyang principal author ng  panukala, makatutulong ang VIP para maihanda ang bansa sa banta ng mga susunod na pandemya at public health emergencies.

Sa sponsorship speech ng mambabatas, ipinunto nito na ang VIP ay magsisilbing premier research and development institute ng bansa at mangunguna sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang world leading scientists.

“It shall ensure that the results of these activities are properly applied towards self-reliance and utilized to accelerate economic and social development towards the protection of the citizens and its resources”, ayon kay Tan.

Nasa P283-M naman ang budget ng VIP sa 2021 National Expenditure Program sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST).

Ang panukala ay isa sa mga hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso sa pinakahuli nitong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, ika-26 ng Hulyo 2021 para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Nauna nang nanawagan si House Speaker Lord Allan Velasco sa Senado na aksyunan na ang priority measures ng Pangulo kabilang na itong VIP Act.

More in Uncategorized

Latest News

To Top