Connect with us

Pagkakapanalo ng Nobel Peace Prize ni Maria Ressa, binatikos ng isang national artist

Buhay na buhay ang Philippine Press kahit wala si Maria Ressa.

National News

Pagkakapanalo ng Nobel Peace Prize ni Maria Ressa, binatikos ng isang national artist

Buhay na buhay ang Philippine Press kahit wala si Maria Ressa.

Ito ang binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Memorial Awardee in Journalism at National Artist for Literature J. Sionil Jose kasunod ng pagkakapanalo ng journalist na si Maria Ressa sa prestihiyosong award giving body.

Sa social media post ni Jose, iginiit nito na hindi deserving si Maria Ressa sa naturang award.

Ito ay dahil aniya sa ilalim ng Duterte Administration ay walang naipakulong ng writer, walang censorship na nangyayari sa media, at walang ipasarang newspaper o radio station.

Nilinaw ni Jose na hindi kasali dito ang ABS-CBN dahil naipasara ang Kapamilya network sa kongreso matapos hindi bigyan ng prangkisa bunsod ng marami nitong paglabag sa batas.

Dagdag pa ng 96-anyos na artist, hindi press freedom ang dahilan ng pagkakasara ng ABS-CBN kundi dahil sa pera, pulitika at pang-aabuso ng mga Lopez sa kanilang TV network.

Bukod pa dito, ipinaliwanag din ni Jose na may mga journalist o mamamahayag na nasawi sa ilalim ng Administrasyon Duterte ngunit hindi aniya ito maituturing na kagagawan ni Pang. Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin din ni Jose na kung naging seryoso lang si Pang. Duterte sa paghahabol kay Maria Ressa, ay tiyak na matutulad na ito kina Chief Justice Maria Lournes Sereno at Senator Leila De Lima.

Ikinumpara naman ni Jose ang mga nagawa ni Maria Ressa sa mga kahanga-hangang mamamahayag na nakipaglaban kay Dating Ferdinand Marcos na kinabibilangan nina Letty Jimenez Magzanoc, Betty Go, Eggie Duran Apostol, Shiela Coronel, Marites Vitus at Chi-Chi Lara

Ani Jose, kung titingnan ang credentials ni Maria Ressa, tanging mahalaga lang umano ay ang pagtatrabaho nito sa CNN, at wala na aniya itong ibang nagagawang maaaring maalala ng publiko.

More in National News

Latest News

To Top