Connect with us

Pagka-pangulo ni Pimentel sa PDP-Laban, ‘di aprubado ng national council

Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mali si Sen. Koko Pimentel nang italaga niya si Senador Manny Pacquiao bilang kapalit nito PDP-Laban.

National News

Pagka-pangulo ni Pimentel sa PDP-Laban, ‘di aprubado ng national council

Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mali si Sen. Koko Pimentel nang italaga niya si Senador Manny Pacquiao bilang kapalit nitong pangulo ng PDP-Laban.

Sa kanyang talumpati sa Clark, Pampanga sa oath taking ceremony ng mga bagong opisyal ng partido, ani Pang. Duterte, “So by that singular act of just designating an Acting President, there is no law in the bylaws at saka itong constitution which would provide for an acting President solely upon the push and shove of the President. Ang nagkamali diyan si Koko hindi si Pacquiao.”

Ibinunyag din ng isa sa mga orihinal na miyembro ng PDP-laban na mula’t simula ay inilihim ni Pimentel kay Pangulong Duterte na siyang chairman ng partido ang pagbibigay nito ng posisyon kay Pacquiao.

Ayon kay Atty. Rogelio “Bicbic” Garcia, PDP-Laban Regional Council President for Socksargen, walang alam si Pangulong Duterte nang umupo noon is Pacquiao bilang acting president ng partido.

“Ang national chairman na si President Rodrigo Roa Duterte ay hindi po ipinaalam nila, hindi sinabihan. So he was ignorant about it. He was never informed about it,” saad ni Garcia.

Dagdag pa nito, “So nobody from among the original party members o kaya yung mga malalaking kasamahan sa partido ay nakaka-alam na ginawa ni Pimentel, ang pagbibigay ng tinatawag na acting National President kay Pacquiao. At siya naman ay inihalal ang sarili niya bilang executive vice chairman ng partido, eh wala naman po kaming posisyon sa ganon.”

Aniya pa, interim president ang tunay na posisyon ni Pimentel sa partido dahil hindi dumaan sa national council ang kanyang appointment bilang party president.

Kaya nangangahulugan na ang pagtalaga nito kay Pacquiao bilang acting-president ay tahasang paglabag sa prinsipyong ipinaglalaban ng partido.

Isiniwalat pa ni Garcia na ang pagiging pangulo noon ni Sen. Koko Pimentel sa PDP-Laban ay hindi aprubado ng national council.

“So we tried to question him because before that we’ve been trying to tell Pimentel, si ‘Koko’ magpatawag ka naman ng National Council meeting so as to legitimize your position as national President to magpatawag ka ng National Assembly sa mga miyembro na alam mo na sumama noong 2015,16. Eh hindi kami pinakikinggan sapagkat naniniwala siya, siyang may-ari ng partido.”

Sinabi naman ni Reymar Mansilungan, ang PDP-Laban National Chairman for Livelihood Committee, “Because ang appointment namin is interim. Interim President siya until the next national assembly. Ngayon ni-rerefuse niya na tawagin yung national assembly dahil pag nag-national assembly, magkakaroon ng eleksyon baka mapapalitan siya.”

Kuwestyunable rin aniya ang membership ni Pacquiao sa PDP-laban dahil hindi ito dumaan ng seminar.

Samantala, nauna namang sinabi ng kampo nina Pimentel at Pacquiao na hawak nila ang suporta ng grassroots members ng PDP.

Katunayan, suportado raw si Pacman ang mga ordinaryong miyembro ng partido.

Subalit ayon kay Garcia, “Ang grassroots na aming na-seminar nakaka-intindi po yan lahat sila. Wala siyang grassroots level, in fact kami yung nagsasabi sino tong mga taong to? Na nilalagay ni Pimentel?”

“Well, Koko Pimentel is a dictator. He is a bullheaded guy, he does not know how to attain the grassroots level of the party and he doesn’t care about the party,”saad pa nito.

More in National News

Latest News

To Top