Connect with us

Pagiging CPP, hindi krimen; pero isang ‘crime of rebellion’ – Malakanyang

Iginiit ng Palasyo ng Malakanyang na hindi krimen ang pagiging myembro ng Communist party of the Philippines (CPP) pero ang krimen dito ay ang New People's Army (NPA) dahil sa crime of rebellion.

National News

Pagiging CPP, hindi krimen; pero isang ‘crime of rebellion’ – Malakanyang

Iginiit ng Palasyo ng Malakanyang na hindi krimen ang pagiging myembro ng Communist party of the Philippines (CPP) pero ang krimen dito ay ang New People’s Army (NPA) dahil sa crime of rebellion.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga myembro ng Makabayan Bloc at activist organizations, na huwag nang magsinungaling at aminin na myembro sila ng CPP.

Ito’y lalo pa’t batid na ang CPP membership ay na-decriminalized na simula sa panunungkulan ni dating Pangulong Cory Aquino.

Ani Roque, “It may not be a crime, but they have consistently been lying. Kasi nga sinasabi nila na mga legal fronts nila have nothing to do with the CPP. Come out with it and admit na ‘oo, member kami ng CPP. But the crime is the NPA because that is a crime of rebellion, taking up of arms against the government, killing civilians and soldiers.”

Gayunpaman, ipinunto ng kalihim na dapat talikuran na rin ng mga makakaliwang mambabatas ang criminal acts ng NPA, ang siyang armed wing ng CPP.

“The fact is, kung ikaw ay member ng CPP pwede kang maging legal but you have to renounce the use of arms. Magagaling naman sila sa parliamentary politics, pinakamarami sila sa partylist groups bakit hindi pa nila irenounce iyong use of arms. Iyon lang po ang hinihingi.”

Pero giit ni Roque, ang hirap aniya sa mga ito ay hindi mahihiwalay ang CCP sa NPA.

“So, ang hirap kasi sa kanila, hindi mo naman kasi mahihiwalay talaga iyong CPP sa NPA kaya nga ang mga statements nila always signed, CPP-NPA. So iyon po iyong iligal doon. The fact is, kung ikaw ay member ng CPP, puwede kang maging ligal but you have to renounce the use of arms.”

Matapos naman pangalanan ang mga grupo bilang legal front ng mga komunista, unang layon aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maisiwalat ang kanilang mga kasinungalingan.

“Well, iyon lang po – unang-una, to expose their lies. Personal knowledge po iyan ha. Si Congressman Zarate cannot deny that; matagal na silang magkakakilala. At saka ang Presidente mismo admitted more than once na he was part of the legal front. Iyon precursor ng Karapatan, he was head of that group in Davao. So alam niya iyong link between these legal fronts—kaya nga legal po para kunwari hindi sila kasapi doon sa CPP-NPA.”

Sa ulat sa bayan ni Pangulong Duterte nitong Lunes ng gabi, kinastigo ng punong ehekutibo ang mga myembro ng Makabayan Bloc at inakusahan ang mga ito na legal fronts ng mga rebeldeng komunista.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na tama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtukoy sa mga nasabing grupo bilang mga myembro ng grand conspiracy na pinag-isa ang lahat ng legal fronts na kanilang inorganisa na pinamumunuan naman ng National Democratic Front.

Kabilang sa mga grupo na binanggit ng punong ehekutibo sa kanyang taped speech ay ang Makabayan Bloc sa mababang kapulungan na binubuo ng anim na grupo ng mga mambabatas tulad ng Bayan Muna, ACT Teachers Partylist, Gabriela Women’s Party, at Kabataan Partylist.

More in National News

Latest News

To Top