Connect with us

Pagharang ni Drilon sa pagpapaluwag ng bed capacity sa isang ospital, kinondena

Hindi katanggap-tanggap ang pagharang ng isang senador sa panukalang batas na itaas sa 1,000 beds mula sa kasalukuyang 600 beds ang isang National ospital.

National News

Pagharang ni Drilon sa pagpapaluwag ng bed capacity sa isang ospital, kinondena

Hindi katanggap-tanggap ang pagharang ng isang senador sa panukalang batas na itaas sa 1,000 beds mula sa kasalukuyang 600 beds ang isang national ospital.

Ayon kay Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay, isang National Hospital ang East Avenue Medical Center kaya walang mali na pondohan ito ng national government.

Sinabi pa ni Suntay na ang East Avenue ay hindi lamang mga taga Quezon City ang nakikinabang kundi marami pang mga pasyente .

Sa isang statement, nagpasalamat naman ang management ng East Avenue sa suporta ng mga kongresista.

Ayon sa pamunuan, ang suporta ng mga mambabatas ay pagkilala sa malaking ambag ng ospital sa healthcare role hindi lamang sa QC at Metro Manila kundi para sa lahat.

Ayon sa pamunuan ng East Avenue Medical Center, “East Avenue Medical Center appreciates & is very grateful for the letter issued by the Q.C. representatives. Their initiative shows their united support, trust & confidence in EAMC for the greater healthcare role it will play not only in Q.C. & NCR in particular but for all Filipino patients nationwide in general.”

Sa ngayon ay nasa 161% na ang occupancy rate sa EAMC.

Malayo ito sa national standard na 85%.

Ang nasabing ospital ay isa sa mga malalaking COVID-19 referral hospitals sa Quezon City na walang patid sa pagtanggap ng iba’t-ibang pasyente sa gitna ng pandemya.

 

 

More in National News

Latest News

To Top