Connect with us

Paghahain ng kaso laban sa NIA, pinag-aaralan pa ng local government ng Cagayan

Pinag-aaralan pa ng provincial government ng Cagayan kung itutuloy ang pagsasampa ng reklamo laban sa National Irrigation Administration (NIA).

National News

Kaugnay ito sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam na sinisisi ng mga residente na dahilan ng matinding pagbaha sa probinsya.

Ayon kay Governor Manuel Mamba, mayroong mga panawagan mula sa mga residente na ituloy ang paghahain ng kaso.

Gayunman, aminado si Mamba na hindi niya tiyak kung maipapanalo o hindi ng local government ang kaso.

Samantala, umaasa ang gobernador na magkaroon ng medium term at long-term plans para maibsan o mapigilan ang malawakang pagbaha at lumala pa ito.

Una nang sinabi ni NIA Administrator Ricardo Visaya na kinailangan na buksan ang mga gates sa Magat Dam upang maiwasan ang pagkasira nito at maging dahilan ng mas malaking problema.

More in National News

Latest News

To Top