Connect with us

Paggamit sa mga paaralan bilang vaccination site, ipinag-utos ni Pang. Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang gamitin muna ang mga gusali ng pampublikong paaralan bilang vaccination sites para sa COVID-19.

National News

Paggamit sa mga paaralan bilang vaccination site, ipinag-utos ni Pang. Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang gamitin muna ang mga gusali ng pampublikong paaralan bilang vaccination sites para sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa bayan nitong Lunes ng gabi, kung sakaling kukulangin aniya ang mga lugar para sa inoculation program ng pamahalaan.

Ang atas ng presidente ay may kinalaman sa pagdedesisyon sa mga gagamiting lugar para sa vaccination program ng gobyerno para sa lahat ng mga Pilipino sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ng punong ehekutibo na maaaring mamili ang mga local chief executives ng mga lugar na nais nilang gamitin sa pagbabakuna gaya ng mga gymnasium.

Subalit, ani Pangulong Duterte kung kinakailangan talaga, maaari namang magamit ang public school buildings habang wala pang klase.

Sa mga liblib at malalayong lugar naman, sambit ng pangulo, pwedeng magamit ang mga kampo ng pulis at militar bilang vaccination sites.

Nagbigay din ng katiyakan si National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Duterte na magagamit ang military hospitals sa vaccination program ng pamahalaan lalo’t kabilang sa priority list ng pagbabakuna ang mga miyembro ng militar.

Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, Samantala, tinukoy na ng ilang LGUs ng National Capital Region ang bilang ng vaccination sites sa kani-kanilang lugar.

Sa Caloocan City, mayroon ng kabuuang 54 vaccination sites at mayorya rito ay mga paaralan.

Sa Navotas City, mayroon na 20 vaccination sites habang sa Quezon City naman, may natukoy na silang 24 vaccination sites.

More in National News

Latest News

To Top