Connect with us

Paggamit sa mga Brgy. para sa pulitika, bawal – Sen. Drilon

Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang plano ng DBM na doblehin ang budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa taong 2022.

National News

Paggamit sa mga Brgy. para sa pulitika, bawal – Sen. Drilon

Pinagsabihan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga Barangay officials na huwag gamitin ang brgy. sa pulitika.

Ito ay kasunod ng napabalitang may isang kapitan sa Brgy. Pagala, Baliwag, Bulacan ang nagpasurvey kung susuportahan ng mga residente ang posibleng pagtakbo ni Mayor Sarah Duterte sa pagkapangulo.

Pero ayon sa Minority Leader, ang mga brgy ayon sa Omnibus Election Code at Sec 93 ng Local Gov’t Code ay hindi maaring makilahok sa mga partisan political activities.

Paliwanag ni Drilon, tanging ang pangulo, bise presidente, cabinet members  at iba pang elected offcials maliban sa mga brgy. officials ang exempted sa nasabing prohibisyon batay naman sa Commission on Elections and Civil Service Commission Joint Circular 001-2016.

“They cannot campaign or endorse the candicacy of any person. More so  they cannot the resources of the barangyas for political activities. That is a violation of the law,” ang paliwang ni Sen. Drilon.

Dahil dito, hindi rin aniya pwedeng gamitin ang pondo ng brgy para sa naturang aktibidad dahil labag ito sa batas.

Umapela din si Drilon sa mga politiko na tigilan ang paggamit sa mga brgy para makakuha ng pogi points sa kasalukuyang administration o sa mga political agenda.

“Huwag na po nating gamitin ang barangay sa pulitika. Huwag nating bigyan ng kulay ang barangay. Let them remain apolitical.”

Hinikayat naman ng mambabatas ang DILG na imbestigahan ang insidente at tiyakin na ang mga brgy at ang pondo o resources ay hindi nagagamit para sa political activities.

More in National News

Latest News

To Top