Connect with us

Paggamit ng videoke at karaoke sa Maynila, bawal na

Bawal na ang videoke at karaoke sessions sa Lungsod ng Maynila mula Lunes hanggang Sabado.

Metro News

Paggamit ng videoke at karaoke sa Maynila, bawal na

Bawal na ang videoke at karaoke sessions sa Lungsod ng Maynila mula Lunes hanggang Sabado.

Ito ay upang maiwasan ang ingay na maaring makaabala sa mga estudyante sa kanilang online class.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng Manila Public Information Office (PIO) na nilagdaan na ni Mayor Isko Moreno ang ordinance no. 8688 ng nagbabawal sa paggamit ng mga karaoke, videoke machines, at iba pang sound-producing devices mula alas 7 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.

Ayon kay Moreno, inaprubahan niya ang ordinansa matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga magulang ng mga estudyante na nagambala sa kapitbahay na gumamit ng karaoke matapos magsimula ang klase noong Lunes, Oktubre 5.

Sa ilalim ng ordinansa, pagmumultahin ng P1,000 ang mga first-time violator; P2,000 naman ang multa sa second-time offender habang P3,000 sa mga lalabag sa third at succeeding offenses.

Continue Reading

More in Metro News

Latest News

To Top