Connect with us

Paggamit ng Ivermectin kontra sa COVID-19, idudulog sa Korte Suprema

Dudulog na sa Korte Suprema ang mga nagsusulong ng anti-parasitic drug na Ivermectin kontra COVID-19.

National News

Paggamit ng Ivermectin kontra sa COVID-19, idudulog sa Korte Suprema

Dudulog na sa Korte Suprema ang mga nagsusulong ng anti-parasitic drug na Ivermectin kontra COVID-19.

Nakatakdang maghain ng ‘petition for mandamus’ sina Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta laban sa pamunuan ng Department of Health(DOH) at Food and Drug Administration(FDA) sa layong mas maraming Pilipino ang makagamit ng nasabing gamot.

Sa gitna na rin ito ng banta ng mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan Party-list,“Ang fear po namin papasok na yung Delta variant and it’s happening all over the world, it’s not only in the Philippines. Sa US po the last discussion that I had with Dr. Varon 50% ng cases niya daw ay Delta variant but I think now it is even higher. In Israel na nagkaroon ng surge, it is now also the Delta variant. Singapore and the UK talagang ano na ho open na let it be kung anong mangyayari dun sa kanilang situation in terms of health of course sa balancing the economy and nakita po namin it’s about time.”

Ayon naman sa ilang eksperto, mabisang proteksyon ang Ivermectin laban sa Delta variant kahit malala na ang lagay ng pasyente.

Sinabi din ni Dr. Rafael Castillo ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) na epektibo ang Ivermectin kahit sa mga malalang pasyente ng COVID-19.

“O kaya late nang nagamot yung pasyente. Meron nang inflammation sa katawan, mataas na yung cytocrines so may problema na sa lungs, probably sa heart, brain may inflammation may swelling ivermectin can still help because of its anti-inflammatory action. So marami siya it’s versatile, it’s more versatile than other interventions kaya at kaya any stage, it can still help the covid patient,” ani Castillo.

 

Ibinahagi din ni Dr. Iggy Agbayani na napapatay ng Ivermectin ang COVID-19 batay sa isang pag-aaral sa labas ng bansa.

“Ang vaccine po, hindi niya napapatay diretso yung virus pero ang ivermectin po may evidence na napapatay niya directly pero yung virus sa test tube ito po yung ginawa na study sa Australia at napatunayan na napapahinto niya o napapatay niya actually yung virus,” saad naman ni Agbayani.

Kamakailan ay sinabi ng DOH na hindi epektibo ang paggamit ng Ivermectin batay sa isang pag-aaral sa ginawa sa Estados Unidos.

Pero ayon sa mga nagsusulong nito, napatunayan na sa 61 clinical trials na isinagawa sa iba’t-ibang panig ng mundo na epektibo ang nasabing gamot laban sa nakamamatay na virus.

Binigyang diin naman ni Rep. Marcoleta na ang Korte Suprema na ang magpapasya para magamit agad ang naturang gamot.

“Why is DOH or FDA continuously ignore the total body of evidence existing around the world. Yun po yung tinatanong namin, bakit pagka Ivermectin at nagpapakatoo napakaraming doktor bakit ayaw po ninyo kilalanin? Pero pagka meron isang doktor na nagsabi na hindi mabisa ang Ivermectin yun lamang po ang itinatalaga nila doon sa living recommendations.”

Dagdag pa nito, “The Supreme Court could be confronted into the evidence presented by independent scientists and experts in the entire world. At kung susumahin nila ano ngayon ang magiging makabuluhan? Yung siyensya at collective testimony by Doctors around the world o yung guidelines na ipinipilit ng DOH at FDA?”

Ano mang araw ngayong linggo ay isasampa na ang petisyon sa Korte Suprema.

More in National News

Latest News

To Top