paggamit ng FaceApp

Paggamit ng FaceApp, nakapagnanakaw ng sensitibong impormasyon – NBI

National News

Nagbabala sa publiko ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paggamit ng FaceApp.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, maaaring manakaw ang kanilang mga sensitibong impormasyon at magamit sa mga ilegal na gawain sa paggamit ng FaceApp.

Maaari aniya na ma-access ng mga cyber criminals kung ang user ay may mga sensitibong larawan, maaaring makuha ang mga impormasyon sa pera, at maging lokasyon.

Dagdag pa ni Lorenzo, hindi sapat ang pag-uninstall lamang sa application upang protektahan ang impormasyon.

Wala pa naman aniyang natatanggap na reklamo ngunit pinapangunahan na nito ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng nasabing aplikasyon.