Paggamit ng face mask sa Metro Manila hindi na kailangan – scientist

Health National News

Hindi na kailangan pang gumamit ng face masks ng mga residente sa Metro Manila para makaiwas sa posibleng masamang epekto ng ashfall bunsod ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Linggo.

Ito ay ayon sa isang environmental scientist mula sa University of the Philippines Institute of Environmental Science and Meteorology na si Dr. Gerry Bagtasa.

Paliwanag ni Dr. Bagtasa, ang panahon lalo na ang “cooling effect” sa gabi ay nakatulong na hindi umabot nang tuluyan ang volcanic ashfall na Metro Manila.

Aniya umabot sa 12.5 km ang taas ng volcanic ashfall noong Linggo ngunit halos 3km lang ang umabot sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Dr. Bagtasa, mas delikado pa aniya ang air quality noong pagdiriwang ng bagong taon sa Maynila kaysa sa ashfall.

Makatutulong pa rin naman aniya ang pagsusuot ng face mask sa pang araw-araw na polusyon sa Maynila pero hindi na kinakailangan pa ang N95 mask na siyang pinangangambahang maubos sa gitna ng mataas na demand nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *