Connect with us

Pagdinig sa ‘tongpats’ scheme sa DA, uumpisahan ng Senado sa Abril   

Itatakda ang imbestigasyon ng Senado sa hinihilang money-making scheme ng Department of Agriculture(DA) sa ika-6 sa buwan ng Abril.

National News

Pagdinig sa ‘tongpats’ scheme sa DA, uumpisahan ng Senado sa Abril   

Itatakda ang imbestigasyon ng Senado sa hinihilang money-making scheme ng Department of Agriculture(DA) sa ika-6 sa buwan ng Abril.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto, kailangang malaman ng taumbayan kung sinu-sino ang mga sangkot sa naturang racket.

“Ito baka ma-uncover na yung mga nangyayaring milagro doon sa Department of Agriculture at sino ang mga nasa likod nito.”

Saad pa ni Sotto, hindi pa napapangalanan ang mga taong posibleng kasama sa naturang sindikato ngunit maaaring mga opisyales ito ng kagawaran na may malalaking ranggo.

“Sinong pwedeng gumawa niyang na kayang gawin sa DA? Eh di syempre malaking tao diba?”

March 17, pinagkasunduan ng mga senador na i-adopt ang proposed Senate resolution No. 685 ni Senator Panfilo Lacson na nananawagan sa pagtipon ng senate committee of the whole para tingnan ang isyu ng food security crisis dulot ng African Swine Fever.

Hinahangad rin ng naturang resolusyon na talakayin ang hinihinalang nangyayaring ‘tongpats’ o padded costs sa mga pork imports ng sindikato sa loob ng DA.

Saad ni Lacson, lima hanggang pitong piso sa bawat kilo ng karne ng baboy ang nabubulsa ng mga kurap na opisyal ng kagawaran.

Sinabi ng senador maaaring kumita ng hanggang ₱6 bilyon sa isang taon ang sindikato at mga opisyal na kasangkot dito sa pamamagitan ng pagkolekta ng dagdag na ₱5 hanggang ₱7 bawat kilo ng baboy na pumapasok sa bansa.

Pinili ng senador na irefer sa committee of the whole ang naturang resolusyon dahil may mga isyu na nasasangkot dito na labas na hurisdiksyon ng committee of agriculture, food at agrarian reform, tulad ng korapsyon, kalusugan at forgone revenues.

More in National News

Latest News

To Top