ruta bus Metro Manila

Pagdagsa ng mahigit 2-M commuters sa ilalim ng GCQ, pinaghahandaan na ng LTFRB

National News

Inaasahan ang pagdagsa ng mahigit dalawang milyong commuters ng iba’t ibang pampublikong transportasyon sa Metro Manila pagkatapos ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ng Transportation Franchising and Regulatory Board Chairperson Martin Delgra III, dapat matiyak ang kakayahan ng transport sektor para rito.

Posible din aniyang magpalabas sila ng special permits para sa mga PUVs at tutukuyin din ang rationalized routes.

Nabatid na gagawin na lamang na single route ang biyahe ng 61 bus routes sa EDSA sa ilalim ng GCQ. Ito ay upang mapapadali ang byahe, paghihintay ng mga pasahero. Kasama na rin pagresolba sa mabigat na daloy ng trapiko.

Sa ilalim naman ng GCQ nilinaw ni Delgra na tanging mga bus lamang na ekslusibong bumabyahe sa EDSA ang papayagang makadaan sa EDSA; habang bibigyan naman ng ibang ruta ang mga maaapektuhan ng bagong sistema.