Connect with us

Pagbuwag ng kasunduan ng DND sa UP, pinalagan ni Sen. Pangilinan

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa  mga netizens ang ginawang pagbuwag ng Department of National Defense (DND) sa kasundan sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal ang pagpapasok ng State Forces sa loob ng Campus.

National News

Pagbuwag ng kasunduan ng DND sa UP, pinalagan ni Sen. Pangilinan

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa  mga netizens ang ginawang pagbuwag ng Department of National Defense (DND) sa kasundan sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal ang pagpapasok ng State Forces sa loob ng Campus.

Sa ngayon, ay 20,800 tweets na ang inabot ng Hashtag #DefendUP at para sa mga ilang netizen ay paraan na naman ito ng ng administration para patahimikin ang mga aktibista.

Isa naman sa mga nagpahayag ng kaniyang saloobin dito sa senado patungkol sa naging hakbang ng DND ay si Sen. Kiko Pangilinan.

Si Pangilinan na former student ng UP ay sinabing hindi dapat pahintulutan ang unilateral at arbitrary termination ng Soto-Enrile Accord.

Huwag aniyang magkakamali ang pamahalaan na labagin ang karapatan ng mga mag-aaral ng UP para sa kalaayan at demokrasya.

Una namang tiniyak ni Sec. Delfin Lorenzana na wala silang balak na magtayo ng kanilang station sa UP o pagbawalan ang mga aktibistang grupo.

Giit ng kalihim paraan ito para maprotektahan ang unibersidad sa kaaway ng gobyerno

Matatandaan na sa mga ginawang pagdinig ng Senado ay sinabi ng mga dating kadre ng CPP-NPA at magulang na nagsisimula sa paaralan gaya ng UP ang recruitment ng teroristang grupo.

 

More in National News

Latest News

To Top