Connect with us

Pagbuo ng fact finding committee sa kapabayaan sa nagdaang kalamidad, iminungkahi

Iminungkahi ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na mas mainam na magbuo ang pamahalaan ng isang fact finding committee na magiimbestiga sa sinasabing pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon sa mga nagdaang kalamidad kung saan marami ang nalubog sa baha dahil sa biglaang pagtaas ng lebel ng tubig nang manalasa ang bagyong Rolly hanggang Ulysses.

National News

Pagbuo ng fact finding committee sa kapabayaan sa nagdaang kalamidad, iminungkahi

Iminungkahi ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na mas mainam na magbuo ang pamahalaan ng isang fact finding committee na magiimbestiga sa sinasabing pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon sa mga nagdaang kalamidad kung saan marami ang nalubog sa baha dahil sa biglaang pagtaas ng lebel ng tubig nang manalasa ang bagyong Rolly hanggang Ulysses.

Kasabay nito, hiningi ng kongresista na itigil na ng dalawang matataas na pinuno ng bansa ang kanilang hidwaan upang maayos ang lahat.

Bagamat aminado si Cayetano na wala siya sa posisyon na magbawal sa dalawa, pero bilang mamayang Pilipino aniya dapat tuldukan na ang kanilang bangayan.

Kamara iimbestigahan sa susunod na linggo ang umano,y kakulangan ng pamahalaan sa pagresponde sa kalamidad

Aarangkada na susunod na linggo ang imbestigasyon ng Kamara kung may pagkukulang ba ang ilang ahensya ng pamahalaan sa nangyaring matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela matapos manalasa ang bagyong Ulysses.

Sesentro ang isasagawang imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food- Martes sa susunod  na linggo kung may pagkukulang ba sa panig ng National Irrigation Administrastion o NIA sa pagpapakawala ng tubig sa dam.

Ito ay mismong ipinanukala nina House Speaker Lord Allan Velasco, House Majority Leader Martin Romualdez at House Minority Leader Joseph Stephen Paduano.

Nais ding matukoy sa imbestigasyon kung magkakaroon ba ng bagong protocols sa pagpapakawala ng tubig sa mga reservoir.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses, may mga report na pitong gate ng Magat dam ang binuksan para magpakawala ng tubig.

Dagdag pa ang pagbaba ng tubig mula sa iba pang mga anyong tubig na naka-konekta sa Cagayan River na lalong nagpalala sa pagbaha sa probinsya.

Dahil diyan ay padadaluhin sa imbestigasyon ang local officials ng Cagayan at Isabela at sisilipin din kung may mga pagkukulang sa kanilang panig.

Target naman ng komite na magkaroon ng linaw ang isyu bago sumapit ang Christmas break ang kongreso.

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pinakamarami sa mga namatay ay mula sa Cagayan Valley (24) at CALABARZON (17).

10 ang patay sa Cordillera Administrative Region, tig-walo sa Metro Manila at Bicol, at anim sa Gitnang Luzon.

Samantala, 24 naman ang nasugatan habang may 19 pang nawawala.

 

More in National News

Latest News

To Top