Connect with us

Pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant, depende sa taumbayan– Pang. Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng public consultations sa posibleng muling pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

National News

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa news conference sa Mariveles, Bataan na dinaluhan ni Bataan Governor Abet Garcia.

Ayon kay Roque, sinabihan na ng pangulo si Energy Secretary Alfonso Cusi sa isinagawang pulong kagabi na dapat konsultahin ang mga residente ng Bataan ukol sa isyu.

Sinabi ni Roque na nais ng pangulo na manggaling ang desisyon sa mga taumbayan ng nasabing probinsya at hindi mula sa gobyerno.

Matatandaang, mahigit dalawang buwan na ang nakararaan ng bumuo ang pangulo ng inter-agency committee para pag-aralan ang posibilidad ng muling pagbuhay sa BNPP para pagkunan ng dagdag na supply ng enerhiya sa bansa.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top