Connect with us

Pagbubukas ng resto at personal care services, makapagbibigay ng 300,000 trabaho – DTI

Inaasahang magreresulta ng 300,000 na trabaho ang partial reopening ng mga restaurant at personal care industry sa NCR plus areas.

Metro News

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, bagama’t hindi malaki ang nasabing bilang ay marami pa ring indibidwal ang makakabalik sa kanilang trabaho sa gitna ng ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Una nang sinabi ng DTI na nasa 1 milyon na mangagagawa ang nanatiling “displaced” bunsod ng MECQ implementation sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.

Ani Lopez, ang employment ang pangunahing konsiderasyon ng DTI sa pagpapanukala na payagan na ang dine-in operations at personal care services.

Gayunman, sinabi ng DTI chief na hindi lahat ng restaurants ay magbubukas dahil hindi sapat ang 10% capacity para ma-cover ang kanilang operational expenses.

Kahapon, ika-29 ng Abril nang payagan ng gobyerno ang 10% dine-in capacity operation sa mga restaurants at 30% capacity naman sa mga beauty salons, barbershops at spas.

More in Metro News

Latest News

To Top