Connect with us

Pagbubukas ng klase, tuloy na tuloy sa Agosto 24–DepEd

National News

Pagbubukas ng klase, tuloy na tuloy sa Agosto 24–DepEd

Nanindigan ang Department of Education(DepEd) na tuloy na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Sa press conference,  ipinaliwanag ni Education Sec. Leonor Briones na maiiwan at madedehado ang mga estudyante sa pag-aaral kung ide-delay ang pagbubukas ng klase.

Magkakaroon din aniya ng problema sa obesity ang mga estudyante kung matagal nang nasa bahay.

Inulit naman ng kalihim na walang face-to-face sessions habang wala pa ang bakuna at hindi pa under control ang COVID-19.

Iginiit ni Briones na blended learning ang magiging approach sa nalalapit na pasukan.

Sinabi ni Sec. Briones na mahigit 22 milyong estudyante na ang naka-enroll at handa na muling mag-aral.

More in National News

To Top