Connect with us

Pagbubukas ng klase sa MECQ areas, dapat iurong–DepEd

National News

Pagbubukas ng klase sa MECQ areas, dapat iurong–DepEd

Dapat munang iurong ang pagbubukas ng klase sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ang iginiit ni Department of Education Undersecretary Tonisito Umali sa ginawang pagdinig sa Kamara.

Ayon kay Umali, ang hakbang ay bilang pagsuporta sa hakbang ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng COVID-19 cases.

Pero nilinaw ng DepEd na maaring e-access ng mga estudyante na may kapasidad sa distance learning ang learning modules ngayong school year.

Tiniyak naman ng DepEd na matutuloy parin ang pagbubukas ng klase sa buong bansa sa ika-24 ng Agosto.

Paglilinaw ni Umali, hindi kanselado sa halip ay iniurong lamang ang pasok sa MECQ areas sa buong bansa.

Aniya, ito ay para hindi makumpromiso ang dapat na maibigay na leksyon sa mga mag-aaral.

Pinaghahandaan narin aniya ng kagawaran kung sakaling bumalik muli sa General Community Quarantine ang status ng mga MECQ area para makapagbigay ng self learning modules sa mga mag-aaral.

Samantala, pumalo na sa 23.21 milyon ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enrol na sa buong bansa.

Naitala ang 21.7 milyon mula sa pampublikong paaralan habang 1.59 milyon naman sa pribadong paaralan.

Mababatid na ipatutupad sa bansa ang online learning dahil sa banta ng COVID-19 para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

 

More in National News

Latest News

To Top