Connect with us

Pagbubukas ng ekonomiya, nakadepende sa vaccine coverage ng bansa–Palasyo

Nakadepende ang desisyon hinggil sa pagluwag ng quarantine protocols sa vaccine coverage ng Pilipinas.

National News

Pagbubukas ng ekonomiya, nakadepende sa vaccine coverage ng bansa–Palasyo

Nakadepende ang desisyon hinggil sa pagluwag ng quarantine protocols sa vaccine coverage ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spox. Harry Roque, mas makukumpiyansa ang pamahalaan na muling buksan ang ekonomiya ng bansa oras na tumaas ang bilang ng nababakunahan kontra COVID-19.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa at mapanatiling kontrolado ang posibleng hawaan ng virus.

Ani Roque, target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 58 milyong Pilipino o katumbas ng 70% ng kabuuang 83 milyong populasyon sa COVID-19 hotspots.

Kabilang sa mga pagtutuunang lugar para sa vaccination program upang makamtan ang herd immunity ay ang National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal.

Giit ni Roque, ang mga nasabing priority areas ay ang mga tinaguriang high-risk areas sa COVID-19 kung kaya’t mahalagang matutukan sa inoculation.

Noong Sabado lamang, Mayo 15 nang isailalim ang NCR+ bubble sa heightened General Community Quarantine (GCQ) na tatagal hanggang Mayo 31.

More in National News

Latest News

To Top